Isang Pilas sa Kwaderno

Mga matang nagsusumamong paluhain mo naman ako,
Wag kang maging ganyan, wag kang maging pusong bato
Bakit pilit kang nagtatago gayong nakikita naman ng lahat
Nasasaktan ka at wala kang ibang gusto kundi ang umiyak

Sige lang sumigaw ka, sige lang magwala ka
Ilabas mong lahat hanggang wala ng matira
Wala na namang tao, wala ng makakakita
Libre kang sabihin ang kahit anu mang salita

Hanggang kelan ka magtatago sa mapalinlang mong ngiti
Hanggang kelan mo ititikom ang iyong malarosas na labi
Bakit ba kasi nagpapanggap kang masaya ka
Alam nating parehong ayaw mo na din talaga

Sumigaw ka man ng saklolo, wala ding makikinig,
Puso mo rin naman ay titigil na sa pagpintig
Magiging tila kang bangkay sa mundo ng mga buhay
Walang pakiramdam, walang pakialam, palutang-lutang

Advertisements

6 thoughts on “Isang Pilas sa Kwaderno

  1. 25pesocupnoodles says:

    hmmm, napaka-makahulugan ng iyong katha. pilit kong inaaninag ang mga bakas ng naisulat sa pilas ng kuwaderno. hmmm, at sana tama ang aking pagkaka-unawa.

    lubha bang “nanlilinlang ang mga ngiti”, o baka naman nagkukubli lamang ang lumbay sa labing nakangiti.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s