Kwentong CPARK


Parte ng gawain ko sa araw-araw sa unibersidad ang maupo sa paligid ng mga estatwang kalabaw at magmatyag, panoorin ang mga taong dumaraan, naghihintay, naglilibang. Bawat likot ng aking mga mata, bawat taong aking makita, bawat isa ay may istorya. Hindi lang huni ng mga ibon at kuliglig ang aking naririnig. Naroon din ang mga halakhak, ang mga luha at tahimik na pagmumuni muni ng mga taong nasa paligid. Mayroon ilan na saglit lang mauupo, maghihintay lang ng taong sa kanya’y susundo. Mayroong ibang magtatagal, mag-uusap para sa gagawin kinabukasan. Mayroon ding nakaupo lamang, nag-aabang, naghihintay na baka ang taong pumukaw sa kanyang puso ay magdaan. Nangangarap ng isang sulyap, isang saglit ng pagsilay, sapat na upang kaligayahan sa puso niya ay umapaw, ngunit hanggang kailan?

Teka lang, wag ka munang aalis,
Dadaan din siya, wag ka lang maiinip
Alam kong mahirap at medyo masakit
Ngunit kaunti na lang namang saglit.

Bumabagal ang oras sa aking paningin
Habang hinihintay ang iyong pagdating
May ngiti bang nakaukit mamaya sa yong labi
O lalampasan akong tila taong nakapikit

Kasabay ng paghampas ng maaliwalas na hangin sa aking katawan
Isang malamim na hininga ang aking pilit pinakawalan
Isang minuto pa lamang ang nakalilipas
Ngunit pakiramdam ko’y araw na’t makailang bukas

Mga maya sa punong sa aki’y nagbibigay silong
Nakikisabay umawit sa puso kong dumadgagundong
Habang oras ay papalapit, pag-asa ko’y nauupos
Baka kabaliwan kong ito’y kailangan ng matapos.

Oras ay nagdaan ngunit hindi ikaw
Siguro ay hudyat na nga upang magpaalam
Hindi ko man nais ngunit kailangan kong lumisan
Upang pag-ibig sa iyo’y aking malimutan

*Inspired by Cuento by Francis Emralino

(C) Joan Miranda

Advertisements

3 thoughts on “Kwentong CPARK

  1. jymiely says:

    shoot!sa wakas!may nasilayan din akong Pinoy sa Word Press! LOL!! grabe, lage akong nosebleed haha! salamat, nkarinig at nkabasa din ako ng Filipinong tula!!! 🙂

    • LilMissJoan says:

      Hahaha…:) I do my poems in English to reach more audience but I am trying tap the Tagalog vein in me…:)
      Proud to be Pinoy…:)
      Kudos to us Filipinos around the globe who tries to reach into others heart via writing…:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s